Sunday, September 16, 2012

AKO ANG LIWANAG

Setyembre 20, 1986

ang kapayapaan ay sumaiyo;

Maaari ko ba Kayong samahan?

Oo, ikaw ay kasama Ko; Ako ang Liwanag;

maaari po ba akong lumapit sa Inyo?

ikaw ay malapit sa Akin; ikaw ay Sumasaakin; Ako ang Liwanag;

Maaari po ba akong sumilong sa Inyo?

ikaw ay sinisilungan Ko;

Maaari po ba akong humilig sa Inyo?

maaari kang humilig sa Akin;

Kailangan ko po ang Inyong Lakas upang manatili ang aking Pananampalataya;

ikaw ay pinagkalooban Ko ng Lakas;

Kailangan ko po ang Inyong Pag-ibig;

ikaw ay iniibig Ko;
Ako ang Liwanag at nagniningning upang makakita ang lahat; huwag kang matakot, ang Aking Landas ay matuwid; ang Aking Landas ang siyang magdadala sa iyo patungo sa Akin; sasalubungin kita at makikilala mo Ako, sapagka’t sumisilay  mula  sa  Akin  ang  Kapayapaan at  Pag-ibig;
Halika; nakikita mo ba Ako? naririnig mo ba Ako? huwag kang matakot, huwag kang manatiling nakatayo diyan sa dilim, tingnan mo, magaling na ang iyong mga paa, nakalalakad ka nang muli, tingnan mo at nanumbalik na ang iyong paningin.[1] Pinagaling Kita; pinagaling Ko ang iyong kahihiyan, at hinugasan Ko ang iyong mga kasalanan; gamitin mo ang iyong mga paa upang makalakad patungo sa Akin, ang iyong mga mata upang makita Ako, ang iyong pananampalataya upang salubungin Ako; Ako ang iyong Tagapagligtas; ang iyong Kapayapaan; Ako, si Hesus ang nagmamahal sa inyong lahat;


[1] Sinabi ni Hesus sa pamamagitan ng isang simbolismo.

No comments: