The True Life In God teach the readers to get to know God and understand God. Many people believe in God but do not know God. These messages encourage us to have an intimate relationship with God, which lead us to true repentance, a deep conversion and a life in union with Him. United, thus, through the Holy Spirit, in Christ, the faithful are bidden to live one and the same life, the Christ-life.
Saturday, September 29, 2012
Sunday, September 16, 2012
AKO ANG LIWANAG
Setyembre 20, 1986
ang kapayapaan ay sumaiyo;
Maaari ko ba Kayong samahan?
Oo, ikaw ay kasama Ko; Ako ang Liwanag;
maaari po ba akong lumapit sa Inyo?
ikaw ay malapit sa Akin; ikaw ay Sumasaakin; Ako ang Liwanag;
Maaari po ba akong sumilong sa Inyo?
ikaw ay sinisilungan Ko;
Maaari po ba akong humilig sa Inyo?
maaari kang humilig sa Akin;
Kailangan ko po ang Inyong Lakas upang manatili ang aking Pananampalataya;
ikaw ay pinagkalooban Ko ng Lakas;
Kailangan ko po ang Inyong Pag-ibig;
ikaw ay iniibig Ko;
Ako ang Liwanag at nagniningning upang
makakita ang lahat; huwag kang matakot, ang Aking Landas ay matuwid; ang Aking
Landas ang siyang magdadala sa iyo patungo sa Akin; sasalubungin kita at
makikilala mo Ako, sapagka’t sumisilay
mula sa Akin
ang Kapayapaan at Pag-ibig;
Halika; nakikita mo ba Ako? naririnig mo ba Ako? huwag kang
matakot, huwag kang manatiling nakatayo diyan sa dilim, tingnan mo, magaling na
ang iyong mga paa, nakalalakad ka nang muli, tingnan mo at nanumbalik na ang
iyong paningin.[1] Pinagaling
Kita; pinagaling Ko ang iyong kahihiyan, at hinugasan Ko ang iyong mga
kasalanan; gamitin mo ang iyong mga paa upang makalakad patungo sa Akin, ang
iyong mga mata upang makita Ako, ang iyong pananampalataya upang salubungin
Ako; Ako ang iyong Tagapagligtas; ang iyong Kapayapaan; Ako, si Hesus ang
nagmamahal sa inyong lahat;
Subscribe to:
Posts (Atom)